KORONADAL CITY- HINIHIKAYAT ng Department of Agriculture (DA) Region 12 ang mga magsasaka, naghahayupan at mangingisda sa rehiyon na magparehistro na sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RBSA).
Ang RSBSA ang basehan ng gobyerno kung sino ang pwedeng makakatanggap nang ibat-ibang benepisyo at ayuda sa pagsasaka mula sa Department of Agriculture at iba pang proyekto ng gobyerno.
Kabilang sa mga benepisyo na maaaring matanggap ng mga registered farmers ay ang financial assistance, mga binhi at abono, access sa mga loan programs, crop insurance, mga agricultural machineries, access sa mga programa sa pag hahayupan at marami pang iba.
Sa mga gustong magparehistro sa RBSA, makipag-uganayan lamang sa municipal o provincial agricultures office o sa DA Regional Office 12.
