Inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) na posibleng maisama na sa vaccination program ng pamahalaan ang mga batang edad 12 hanggang 17 sa huling quarter ng 2021.
Ito ay kasunod ng pag-apruba nila sa pag-amyenda sa emergency use authorization ng Moderna vaccines upang magamit na rin sa mga kabataan.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, maaaring mabakunahan na rin kontra covid-19 ang mga kabataang pasok sa nasabing age group simula sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre.
Sinabi ng opisyal na katulad ng pagbabakuna sa mga adult, magkakaroon din ng prioritization kung saan mas mauunang mabakunahan ang mga batang nasa high risk bago ang mga batang malulusog at malalakas ang resistensya.

Mababatid na nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na sa oras na bakunahan na rin ang mga kabataan, sisimulan ito sa mga may comorbidities o yung may mga medical conditions. //MHEL PACIA-TRINIDAD via CLAY MARQUEZ