City Of Ilagan Medical Center, full operation na

Binigyan na ang City of Ilagan Medical Center (CIMC) ng License to Operate ng Department of Health.

Kaugnay nito, ngayong araw ay isinagawa ang pormal na pagbubukas at pagsisimula ng operasyon ng naturang medical center.

Ayon kay City Information Officer Paul Bacungan, epektibo ngayong araw din ay maari nang tumanggap ang pagamutan ng mga referral patients.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Aabot sa 150 ang bed capacity ng naturang hospital na mayroong tatlong palapag.

Sa kaniyang pahayag ay sinabi ni Dra. Herbie Barrios, ang City Health Officer at CIMC Director, na makaaasa ang kanilang mga kababayan sa kanilang taos-pusong serbisyong medikal para sa mga ito.

Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Jose Marie Diaz sa pormal nang pagbubukas ng CIMC at sa mga nasa likod ng pagsasakatuparan ng naturang hospital na ayon sa kaniya ay isa itong center pice ng LGU sa health services.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Tiniyak naman nito na maibibigay ang kaukulang benepisyo ng mga staff ng CIMC at hinimok ang mga itong maging service oriented upang matugunan ang pangkalusugan ng bawat Ilagueños.