Mga bata sa orphanage na babakunahan kontra COVID- 19 sasamahan ng social worker

CAMARINES NORTE- Muling ipinaalala ng Department of Health na dapat ay mayroong consent ng magulang o guardian sa mga batang babakunahan kontra COVID- 19 lalo na ang mga batang edad 5- 11 taong gulang.

Bukod dito dapat ding kasama ang mga magulang o guardian sa vaccination site.

Sa kaso naman ng mga bata sa orphanage, sinabi ni DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola na sasamahan ito ng social worker mula sa Department of Social Welfare and Development.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Mayroong isang orphanage sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan ang mga bata ay nasa pangangalaga ng simbahan na matatagpuan sa bayan ng Labo.

Target ng probinsiya na makapagbakuna ng nasa mahigit 97, 000 na mga bata sa naturang age group.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ang ibabakuna ay Pfizer dahil ito pa lamang ang nabibigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drugs Administration.

At bagamat parehong brand ay magkaiba ang timpla ng bakuna para sa batang edad 5- 11 at sa edad 12 gulang pataas.