Ekta- ektaryang palayan sa dalawang barangay ng Basud apektado ngayon ng Hopperburn disease

CAMARINES NORTE- Inatake ng mga insekto na kung tawagin ay plant hopper ang ekta- ektaryang palayan sa dalawang barangay sa bayan ng Basud, Camarines Norte dahilan upang dapuan ito ng tinatawag na Hopperburn disease.

Aabot sa kabuuang 2. 57 hectares ng palayan sa Barangay Bactas at Mampili ang apektado habang ang 16. 5 na iba pa ay mayroon na ring nakitang paunti- unti.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Municipal Agriculturist Harry James Felomino na hindi bababa sa dalawampung magsasaka ang apektado dahil sa pag atake ng mga insekto.

Ang plant hopper ay isang uri ng insekto na sumisipsip sa katas ng palay kaya ito ay natutuyo.

Ang mga palatandaan umano na mayroong Hopperburn disease ang palay ay paninilaw ng dahon hanggang sa ito ay tuluyang matuyo.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nangyayari umano ito kapag kinukulang ang suplay ng tubig sa palayan lalo na ngayong papalapit na ang tag init.

Gayunman tiniyak ni Felomino na walang dapat ikabahala dahil kontrolado naman ang sitwasyon.

Aniya kailangan lang na maging mapagmatyag ang mga magsasaka dahil kapag naagapan naman ang pamemerwisyo ng mga insekto ay halos hindi umano ito makakaapekto.

Kumpiyansa si Felomino na hindi darating sa punto na masisira ang mga pananim na palay dahil sa kanilang mga ginawang hakbang.

“Dito po sa bayan ng Basud nakita pa lang po yung insekto sa mga palay kaya po naalarma na namin yun pong mga magsasaka, kaya sa tingin naman po namin na hindi naman darating sappunto na masisira po totally yung kanilang palay,” ani Felomino.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Nagsagawa na ng seminar ang MAO patungkol sa Rice Pests and Diseases & Prevention and Control sa mga magsasaka partikular sa Barangay Mampili.

Namigay na rin daw ang MAO ng mga insecticide na angkop para sa naturang insekto.

Ang rekomendayasyon din po namin sa kanila huwag po agad mag- apply ng insecticide  kasi mostly sa halip pong mapabuti yung palayan minsan nakaka- trigger po yung insectide lalo na po pag mga maling insecticide ang ginagamit, mahalaga yung pag identify muna kung anong klaseng insekto saka kung ano ang mabisang gamot.”