Mga barko ng PCG, tuloy-tuloy ang pagpapatrolya sa Bajo de Masinloc

Tuluy-tuloy ang pagpapatrolya ng BRP Malapascua (MRRV-4403) at BRP Sindangan (MRRV-4407) sa Bajo de Masinloc (BDM).

Kahapon, siniguro ng mga tauhan ng PCG na maayos at ligtas ang operasyon ng mga mangingisdang pumalaot 43.7 NM mula sa BDM.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Liban sa pangungumusta sa kanilang kalagayan, muli ring namahagi ng pagkain at gamot sa mga Pilipinong mangingisda.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Ayon sa BRP Sindangan (MRRV-4407), na-monitor nila ang presensya ng tatlong barko ng China Coast Guard (CCG) – CCGV-3502, CCGV-3105, at CCGV-3106 – at isang barko ng Chinese Navy na may bow number na 552 sa kasagsagan ng isinagawang operasyon.