DFA – kinundena ang pag-board ng mga Chinese sa barko ng Pilipinas na nagresulta sa pagkasugat ng ilang Pilipino

Ikinabahala ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang insidente sa Ayunging Shoal habang isinasagawa ng Pilipinas ang humanitarian mission nito sa BRP Sierra Madre noong Lunes.

Sa RoRe mission kasing ito, nag-board ang mga Chinese forces sa resupply boat ng pamahalaan, dahilan para magresulta ng injury sa ilang mga personnel ng PH Navy.

Read More:  Bantay Senado holds first barangay assembly on VP Sara impeachment trial

Sa inilabas na pahayag ng ahensya, inutuligsa umano nito ang ilegal at agresibong aksyon ng China na nakasisira ng barko at mga tauhan ng Pilipinas.

Read More:  Election period for BARMM polls to begin on July 16

Hindi raw makakamit ang tunay na kapayapaan kung hindi tumutugma ang mga sinasabi at ginagawa ng China.

Kasabay ng paghahangad ng kapayapaan, sinabi ng tanggapan na gumagawa sila ng mga hakbang upang muling makabuo ng magandang pagkikipagpulong kasama ang China.