Kampo ni Guo – kakasuhan ang nagpakalat ng kaniyang birth certificate

Tinitingnan ngayon ng kampo ni Bamban Mayor Alice Guo ang paghahain ng counter-charges laban sa mga tao nagsapubliko ng legal na dokumento tungkol sa alkalde.

Ito ay matapos himukin ng abogado ni Guo na si Atty. Stephen David ang mga mambabatas na dalhin ang mga alegasyon laban sa kanyang kliyente sa korte.

Read More:  Missing PNP-CIDG documents delay Padilla counter-affidavit

Kasabay nito ang binigyang-diin ni David ang biglaang pagsasapubliko ng ilang mga dokumento ni Guo gaya ng statement of assets and liabilities and net worth (SALNs), at birth certificate.

Read More:  Gracioso allegations may be included in Vice President Sara Duterte impeachment case if proven — House prosecution

Ayon sa legal counsel, kung talagang magtutuloy-tuloy ang pagtapak sa karapatan ng alkalde, pinag-iisipan na rin nila ang magsampa ng counter-charges.

Bagamat hindi raw siya ang makakapagdesisyon hinggil dito, susunod umano siya sa nais ng kanyang kliyente.