Health workers sa Quezon City – sumailalim na sa orientation para malabanan ng mpox

Sumailalim na sa orientation ang daan-daang healthcare workers sa Quezon City General Hospital (QCGH) at QC Epidemiology and Surveillance Division (QCESD) hinggill sa mpox, ‘o ‘yung monkeypox.

Nagbahagi ang mga ekperto kung ano ang mpox at kung ano ang mga protocol sa pagtugon ng lungsod kung sakaling ito magkaroon na ng infection sa kanilang mga residente.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Layunin nitong matiyak ang kahandaan ng kanilang lungsod, at maging isa ang mga paraan ng healthcare institutions sa pag-handle ng mpox cases.

Kung maaalala, ang ika-sampung kaso ng mpox sa bansa ay nagpunta sa dalawang establishments sa Quezon City kabilang na ang isang derma clinic at isang spa.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sa naging panayam ng Brigada NewsFM Manila kay QC CESU chief Dr. Rolly Cruz, sinabi nitong wala pa ring nagpo-positibo sa mga close contacts ng naturang pasiyente.

Tuluy-tuloy naman ang quarantine ng mga ito, at mahigpit na monitoring sakali mang magpamalas na rin sila ng sintomas.