Mga barangay malapit sa Bicol River sa Camarines Sur tinututukan kaugnay ng Bagyong Paeng

NAGA CITY- Malayo man ang Bagyong Paeng sa Camarines Sur kahapon, malakas ang pag-ulan dahil sa Amihan at Shearline nagresulta ito sa unti-unting pagtaas ng lebel ng tubig sa Bicol River.

Sa Libmanan  o ang pinakamalaking bayan sa lalawigan, tinututukan ng Municipal Risk Reduction and Management Office o MDRRM ang 26 na barangay na malapit sa ilog, unti-unti na ring nagkakaroon ng paglikas matapos ipag-utos ng provincial Government ang pre-emptive evacuation.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Jemuel Guerero, assistant MDRRM officer sinabi nitong pinangangambahan nila ang pagbaba ng tubig mula sa Albay at Rinconada sa Camarines Sur kaya kahapon pa inalerto na ang mga residente.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Samantala , may bigas ang lokal na pamahalaan at mayroon naman stock budget ang mga barangay kung may mga pamilyang ililikas. Handa rin ang mga evacuation centers ng LGU.

Nakaantabay rin ang iba pang mga bayan sa Bicol River na kung tuloy-tuloy ang malakas at walang humpay na pag-ulan ay posibleng umapaw.