Mga balik-eskwela welcome sa Early Registration sa Academic Year 2022-2023 sa Naga city

NAGA CITY-  Umarangkada na ang Early  Registration para sa Academic Year 2022-2023 sa Naga City.

Bukas ang mga paaralan para sa mga incoming Kindergarten, Grade 1, Grade 7 at Grade 11, gayundin sa mga Balik-Eskwela o mga tumigil noon at magbabalik sa pag-aaral ngayon. Importanteng nahihikayat na mag-aral muli para sa kinabukasan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni Naga Central School I (NCS I) Principal Frederick M. Baldoza na handang-handa ang kanilang paaralan para sa mga ito, 92 ang guro na sabik na ring muling magturo kaharap sa silid-aralan ang mga estudyante.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang NCS I ay pasado na sa validation ng DepEd Naga para ma-recommend na sa pagbabalik sa dating sistema ng pag-aaral.

Mahigit 400 ang target sa Kindergarten habang 395 sa Grade 1.