Mga pagala- galang aso sa kalsada problema pa rin sa bayan ng Basud, MAO muling nagpaalala sa mga may ari na maging responsable

CAMARINES NORTE- Aminado ang Municipal Agriculture Office na problema pa rin ang mga pagala- galang aso sa kalsada sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ito ay sa kabila ng ginagawang regular na panghuhuli ng mga tauhan ng MAO sa mga asong maaaring makakagat o maging dahilan ng aksidente.

Ayon kay Municipal Agriculturist Harry James Felomino hindi naman sila ngpapabaya na ipatupad ang umiiral na ordinansa sa naturang bayan pero may mga pasaway daw talagang dog owners.

“Lahat naman po na may alaga ng aso kapag nakakita na may nanghuhuli tinatalian ang aso so pagwala na naman, binibitawan kaya yun po yung malungkot pong karanasan po natin dito na kapag may naghuhuli tinatalian,” ani Felomino sa panayam ng Brigada News FM Daet

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa ilalim ng umiiral na ordinansa sa naturang bayan, tutubusin ng may ari sa halagang P500 ang  mahuhuling aso na pagala- gala.

Kapag nakakagat ang pagala- galang aso ay obligasyon ng may ari na ipagamot ang biktima at kung mamatay naman dahil naging sanhi ito ng aksidente ay ang may ari ang magpapalibing.

Mayroong holding area ang MAO para sa mga asong na rescue at bibigyan ng tatlong araw ang may ari para matubos ito.

Kapag hindi tinubos sa ika-apat na araw ay binibuksan for adaption ang aso at kung walang mag adapt ay pinapatay na ito sa loob ng limang araw alinsunod sa umiiral na batas.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

“Ang lahat naman po ng ginagawa po namin, nakabase naman po yan sa animal welfare act kaya sinusunod naman po namin yun, ibig pong sabihin hindi naman po kami nagba- violate dun.”

Noong 2021 ay tumaas ang bilang ng mga namatay sa Camarines Norte dahil sa rabies.

Ayon sa Department Health, nakapagtala ang lalawigan ng limang kaso ng human death kumpara sa apat noong 2020.

Nasa 9, 408 naman ang bilang ng bite cases  kumpara sa 6, 362 noong 2020.

Pumangatlo ang lalawigan sa mga probinsiya sa Bicol sa maraming bilang ng animal bite at human deaths.