Mga bakwit na nasa 7km EDZ na babalik sa kanilang tahanan, nakiusap na huwag gagalawin ang ginawang shanties

LEGAZPI CITY – Voluntary decampment lamang ang gagawin ng mga bakwit na nasa 7 kilometers extended danzer zone sa bayan ng Sto. Domingo, Albay na pinalikas ni Mayor Jun Aguas dahil sa banta ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Aguas, nakiusap ang mga bakwit na babalik sila ngayon sa kanilang tahanan, subalit huwag muna umanong gagalawin o sirain ang kanilang ginawang shanties o pansamantalang kubo.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Aniya, ito kasi ang magsisilbi nilang evacuation center sakali mang pumutok ang bulkan.

Inaasahan nito na ang ilang mga bakwit ay babalik na sa kanilang lugar ngayon araw.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Samantala, humigit-kumulang 30% na mga evacuees ang inaasahang babalik sa kanilang mga lugar, kung saan lahat umano sa kanila ay economically displaced at mabibigyan pa rin ng socio economic interventions.