Mga awtoridad nilinaw na isang sundalo ang nasawi sa sagupaan ng militar at hinihinalang NPA sa Nueva Ecija

Nilinaw ng Nueva Ecija PNP na isang sundalo ang nasawi sa sagupaan ng militar at hinihinalang New People’s Army sa Bgy. San Fernando Sur Laur Nueva Ecija kahapon

Naglabas ng pahayag ang Nueva Ecija PNP para pabulaanan na hindi totoo ang mga balitang kumalat sa social media na 4 na sundalo ang nasawi sa armed encounter.

Binawian ng buhay ang isang sundalo habang nilalapatan ng lunas

Hindi pa alam ng mga awtoridad kung may nasawi sa panig ng NPA. Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ukol sa insidente.

Dahil sa bakbakan kahapon, hinigpitan na ang checkpoint operations sa Laur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *