Serye ng power interruption, mararansan sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa mga nakataas na yellow alert ayon sa DOE

Naglabas ng paalala ang Department of Energy (DOE) sa ilang bahagi ng Luzon na makararanas ng serye ng power interruption kaugnay ng nakataas na yellow alerts status.

Ilan sa mga tinukoy na dahilan ng ahenysa ang El NiƱo phenomenon na patguloy na minomonitor ng DOE at ang isang hydropower plants na nakapagtala ng 70% pagbaba sa kapasidad nito.

Ayon kay Energy Undersecretary Rowena Guevarra, may posibilidad rin makaranan ng power interruptions sa Visayas dahil sa walang solar power.

Samantala, wala namang nakikitang anumang posibleng yellow alerts sa Mindanao dahil two-thirds lamang ang demand sa kuryente.

Makatutulong naman ang unti-unti ng lumalamig na panahon para maibsan ang init na posibleng maranasan kapag naramdaman na ang power interruption.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *