Mga Pilipino na kumikita ng P25K na family living wage, nasa 25% lang ayon sa IBON Foundation

Doble ng kasalukuyang minimum wage sa National Capital Region (NCR) ang iginiit ng IBON Foundation na ‘family living wage’ para makapamuhay ng desente ang isang pamilya na may 5 miyembro.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Sonny Africa, ang Executive Director ng Ibon Foundation, sinabi nito na dapat may P25,806 kada buwan na kita ang isang pamilya sa NCR o P1,186 kada araw batay sa kanilang pag-aaral na malayo sa P610 na kasalukuyang minimum wage

Giniit ni Africa, nasa 25% lamang ng mga Pilipino ang nakakasahod ng base sa kanilang Family Living Wage sa NCR dahil sa kadalasan aniya sa pamilyang Pilipino ay puro part time o side hustle ang pinagkakakitaan at hindi buwanan ang sahod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *