CAMARINES NORTE – Pinuri ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Crestito Morcilla ang mga atleta na naghahanda ngayon sa Palarong Bicol partikular ang mga nananatili sa eco- athletic field dahil sa ipinamalas ng mga itong disiplina.
Sa flag raising ceremony nitong Lunes, ikinatuwa ni Morcilla na napapanatili ng mga ito ang kalinisan sa buong division office. Aniya, kumpara noong nakaraang taon na may makikita pa pang mga basura, ngayon umano ay malinis ang venue at kapansin- pansin ito kapag nag- iikot siya.
Mababatid na nagsimulang maghanda ang Camarines Norte team noong March 1, pero school based muna. Pagkatapos ng Semana Santa ay nagsimula na ang 22- day quartering at wala na itong uwian hanggang matapos ang palarong Bicol. Maliban sa eco- field mayroon ding dalawa pang billeting centers sa ibang eskwelahan.
