Exposure sa sikat ng araw ng mga atleta na naghahanda sa Palarong Bicol binawasan

CAMARINES NORTE – Binawasan ang exposure sa sikat ng araw mga atletang naghahanda sa Palarong Bicol dahil sa matinding init ng panahon na nararanasan ngayon dito sa Camarines Norte.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Division Sports Coordinator Nelson Gomez na karamihan naman sa mga ballgames ngayon tulad ng basketball ay indoor na hindi lang sa Palarong Bicol kundi maging sa Palarong Pambansa kaya hindi kailangang mababad sa sikat ng araw ang mga manlalaro maliban sa athletics at ba pang laro tulad ng archery, baseball at iba pa.

Inabisuhan na rin umao ng school health section ang mga atleta at coaches na i- monitor ang regular na pag inom ng tubig. Pinatitiyak din umano nila sa caterer ang sapat na suplay ng tubig.

Sa ngayon ay wala pa namang naiiulat na atletang nagkakasakit habang naghahanda sa Palarong Bicol.

Nasa mahigit 700 atleta at coaches ang mga nanatili sa billeting centers na naghahanda sa Palarong Bicol na magaganap sa huling linggo nitong buwan hanggang sa unang linggo ng Mayo sa Legazpi City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *