CAMARINES NORTE – Posibleng maranasan din ngayong araw ng Martes, April 9 ang matinding init ng panahon na naranasan sa nakalipas na dalawang araw.
Sa pakikipag ugnayan ng Brigada News FM sa Pagasa Daet weather station, pinag- iingat nito ang mga residente sa matinding init ng panahon kung saan pumalo sa 46 degrees Celsius ang heat index o ang init na nararamdaman ng katawan noong Lunes, April 8, ang pinakamakinit sa buong bansa.
Kahapon naman, bagamat kasing tindi ng init noong Lunes ang naranasan ay bahagyang naging maulap ang papawirin dakong hapon. Paliwanag ng Pagasa, tinatawag itong thunderstorm clouds na resulta ng mabilis na evaporation ng tubig dahil sa init.
Nauna nang nagpaalala ang Provincial Health Office hinggil sa panganib sa kalusugan ng matinding init ng panahon.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, kapag ganitong panahon ay palaging nariyan ang posibilidad ng heat stroke atipinapayo na iwasan ang exposure sa sikat ng araw lalo sa tanghaling tapat.
Nariyan din ang banta ng iba’t- ibang skin disease dahil sa paliligo sa maruming tubig.
