Mga APOR at essential travelers, tanging papayagang makapasok sa Catanduanes mula sa mga lugar na mas mataas sa Alert Level 2 ang quarantine classification

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng Incident Management Team o IMT-Catanduanes ang kanilang bagong panuntunan para sa lahat ng mga biyaherong papasok sa islang lalawigan, ngayong tumataas nanaman ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa NCR at iba pang mga rehiyon sa bansa.

Batay sa anunsiyo ng IMT, tanging mga APOR o Authorized Persons Outside of Residence at mga Essential Travellers lamang ang pahihintulutang makapasok sa probinsya mula sa mga lugar na mas mataas sa Alert Level 2 ang quarantine classification katulad ng National Capital Region.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Required pa rin ang mga itong mag presenta ng mga kaukulang dokumento gaya ng valid ID; travel order at kinakailangan ring mag upload sa S-PaSS system ng negative RT-PCR test result kahit fully vaccinated na kontra COVID-19.

Samantala, pinapayagan namang makapasok sa lalawigan ang  mga Locally Stranded Individuals at mga Returning Residents na magmumula sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 quarantine classifications at mas mababa pa.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kinakailangan pa ring mag-upload ng mga kinakailangang dokumento sa S-PaSS at mag-presenta ng vaccination card kung fully-vaccinated na.

Sa mga partially at unvaccinated individuals naman, kinakailangan ang negative RT-PCR test result o negative antigen test result na valid tatlong araw mula sa petsa ng pagpapa-test.

Epektibo ang naturang kautusan simula kahapon at magtatagal naman ito hanggang January 15, 2022.###