Mga apektado ng kalamidad sa region 12, nakatanggap ng agricultural intervention mula sa DA 12

KORONADAL CITY- NAMAHAGI ang Department of Agriculture o DA Region 12 sa pamamagitan ng Disaster Risk Reduction and Management Unit ng agricultural interventions sa mga pamilya na apektado ng kalamidad sa rehiyon 12.

Ito ay mula sa Quick Response Fund o QRF.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Nakinabang dito ang mga magsasaka sa Sultan Kudarat, Cotabato at Saranggani na apektado ng bagyong Paeng.

Sa Sultan Kudarat, kabilang sa natanggap ng mga benepisyaryo sa bayan ng Lebak, Kalamansig at Palimbang ang rice seeds, vegetable seed, banana planting materials, manok, kambing, baka, kalabaw at kabayo.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa probinsya naman ng Saranggani, nakatanggap ang mga affected families ng 148 na manok at isang kabayo habang ang Cotabato province ay nakatanggap naman ng 111 na mga manok para sa mga apektado sa Libungan at 9 na kalabaw sa Pigcawayan.