Mga apektado ng El Niño, hinimok ni PBBM na makipag-ugnayan sa LGU

Hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga magsasaka, mangingisda at mga pamilyang apektado ang kabuhayan dahil sa El Niño na makipag ugnayan sa kanilang mga lokal na pamahalaan.

Ito’y para daw malaman at matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng financial assistance sa Zamboanga city, binigyang diin ni Pangulong Marcos na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya upang matulungan ang mga apektado ng matinding tag-tuyot.

Kaya buong pwersa na pinupuntahan ng national government ang mga lugar na pinaka apektado ng El Niño.

Ayon sa Pangulo, nais raw nyang makita ng personal ang kalagayan ng mga mamamayan at hindi lang umaasa sa dumarating ng report sa kanyang opisina.

Ipinunto pa nito na hindi ang lokal na pamahalaan ang dudulog sa Malacañang, kundi ang Malacañang ang pupunta sa mga mamamayan.

Nabatid na nasa Zamboanga city ang Pangulo para mamahagi ng tig-sampung libong piso sa mga natukoy na apektado ng El Niño.

Nasa 58 million pesos ang monetary support ng Office of the President para dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *