Mga anak ng mga beteranong aktress na sina Caridad Sanchez at Gloria Romero naglabas ng pahayag kaugnay ng fraud claims

Naglabas ng pahayag ang mga anak na babae ng mga eteranong aktres na sina Caridad Sanchez at Gloria Romero.

Ito ay matapos malaman na ang pangalan ng kanilang mga ina ay ginagamit sa paglalako ng isang uri ng essential oil na sinasabing makakatulong sa mental at physical well-being ng mga matatanda.

Read More:  Tyronia Fowler breaks down over online bashing amid Toni Fowler-Jelai Andres issue: “Grabe naman na po kayo!”

Sinabi ni Maritess Gutierrez, anak ng movie queen na si Gloria Romero, na hindi kailanman nagbigay ng anumang pahayag ang kanyang ina bilang suporta sa brand.

Nalaman naman ng anak ni Caridad Sanchez na si Cathy Babao ang tungkol sa ad mula sa isang kaibigan.

Read More:  Sachzna Laparan breaks silence on ‘Miss Flawless’ controversy; Angelica Jones calls for apology

Laking gulat ni Babao na samantalahin ng kumpanya ang dalawang senior actress na ngayon ay tahimik na namumuhay nang malayo sa limelight.

Sina Gutierrez at Babao ay nakikipag-usap ngayon sa kanilang mga abogado kung paano mapipigilan ang mapanlinlang na online advertisement na ito.//CA