Mga Albayano, hinihikayat na tangkilikin ang mga lokal na produkto sa pagbubukas ng pangalawang ‘Kadiwa ng Pangulo’

LEGAZPI CITY – Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol ang mga Albayano na tangkilikin ang mga lokal na produkto sa ikalawang pagbubukas ng ‘Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa’ sa lungsod ng Legazpi.

Ayon kay DOLE Bicol, Regional Director Zenaida Angara Campita, sa unang araw ng pagbukas ng nasabing aktibidad ay marami ang mga tumangkilik dahil sa mga murang bilihin.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Malaking tulong umano sa mga mamimili ang nasabing programa dahil una sa lahat ay makakatipid ang mga ito at malaya silang makakapamili ng produktong bibilhin.

Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

Binigyang-diin naman nito na ang lahat ng mga produkto na kanilang mabibili ay hindi na dumaan sa middleman.

Samantala, ang ‘Kadiwa ng Pangulo para sa manggagawa’ ay tatagal hanggang Mayo 1.