Mga aktibidad sa Kapistahan ng bayan ng Mercedes inilatag ng LGU

CAMARINES NORTE- Makaraan ang dalawang taon, muling magkakaroon ng sigla ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Bayan ng Mercedes sa karangalan ni San Antonio De Padua.

Wala kasing mga aktibidad na may kinalaman sa kapistahan nitong nagdaang dalawang taon dahil sa COVID- 19 pandemic.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Kabilang sa mga aktibidad ngayong taon ay ang Color Fun Jam (Run & Zumba Jam), Mercedes Trade Fair, Karantahan sa Kalayaan at BB Kalayaan.

Tampok din ang DLC/ DBC competetition, Funbike, Mercedes Cookfest at iba pang mga aktibidad.

Ibabalik din ang tradisyunal na Karakol o prusisyon sa dagat kung saan itatampok ang pagandahan ng dekorasyon ng Bangka.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Inilabas na rin ng simbahan ang mga schedule ng misa nobenaryo at sa mismong kapistahan.

Ngayong araw ay magsisimula ang Novenary Masses sa karangalan ni San Antonio De Padua.