Balik-probinsya program ng DTI CamSur, nagpapatuloy

Naga City –Naniniwala ang Department of Trade and Industry o DTI na malaking tulong ang Balik-Probinsiya Program dahil nakapaloob  sa programa ang Livelihood trainings , Negosyo Serbisyo sa Barangay pati Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa o PPG na kung saan tinututukan ang mga entrepreneurs na nagbalik probinsya sa pagbibigay ng negosyo kits at seminars. Ang programa ay ipinagpapatuloy ng kagawaran.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Dahil sa pandemya, marami ang mga nawalan ng trabaho na malayo sa kani-kanilang tahanan. Kaya, naglunsad ang DTI ng programa para makatulong sa pagsisimulang muli.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay DTI Camarines Sur OIC-Provincial Director Jay Percival S. Ablan sinabi na malaking tulong ang programang ito para makabangon muli ang  ekonomiya.

Dagdag pa niya kung nais mapasama sa nasabing programa dumulog lamang sa LGU.