CNWD ipinagtanggol ang naaprobahang 20 % tariff increase sa tubig

CAMARINES NORTE- Ipinagtanggol ng Camarines Norte Water District na tumatayong Contract Monitoring Unit (CMU) ang Primewater kaugnay sa pagtataas ng taripa sa tubig na sinimulang ipatupad at babayaran ng mga kunsumidores ngayong buwan.

Sa isinagawang Press Conference nitong Biyernes, Hunyo 3 sinabi ni CNWD Board Chairman Adolfo Ogad na bagamat medyo may kataasan ang 20 % na tariff increase ay justifiable naman umano ito dahil sa kapalit na mga proyekto na magpapaganda sa sistemang patubig.

Aniya, taong 2014 pa huling nagtaas ng taripa sa tubig ang CNWD kaya napapanahon na rin ito.

Paliwanag ni Ogad na kapag naisakatuparan ang mga proyektong nakalatag kapalit ng tariff increase ay sigurado umanong matutugunan ang problema ng mga Cam Norteno sa suplay ng tubig.

“Maaaring medyo mataas pero sa tingin ko tama lang kasi talagang pinag- insist ko yung apat na project para nang sa ganun yung apat na project na yun, mag ooperate na ng hundred percent, natitiyak ko na ang lahat ng kanto ng Camarines Norte ay sigurado, hundred percent satisfied ang mga consumer,” ani Ogad.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Pero kung hindi umano makapag deliver ang Primewater ay maaari umanong i- hold ng CNWD o i- revoke ang 20 % tariff increase alinsunod sa Board Resolution.

Tiniyak naman ni General Manager Onofre Garing na nakasunod sa lahat ng mga alintuntunin ang Primewater nang humiling ito ng tariff increase sa National Water Resources Board (NWRB)

Taliwas ito sa kaniyang sinabi noong isang taon sa Sangguniang Panlalawigan na maging sila ay nagulat sa hirit na tariff increase at hindi raw sumunod ang Primewater sa tamang proseso.

Hindi naman itinanggi ni Garing na sinabi niya ito noong isang taon at ipinaliwanag na naayos din naman daw ang proseso at compliant naman ang Primewater.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Para naman kay Primewater Branch Manager Mark Anthony Muroda, patunay umano ito na hindi sila, kundi ang CNWD pa rin ang nagpapalakad ng water district.

Sila umano ay naka kontrata lang at nariyan pa rin ang board at management na nagrerebyu ng mga polisiya.

“Taliwas po sa balita na ang Primewater ang nagpapalakad, again this is a proof na hindi po kami ang nagpapalakad ng Water District, kami po ay naka kontrata lang, nandiyan po ang Board, nandiyan po ang management, sila po ang nagrerebyu sa amin,” ani Muroda.

Nakiusap naman si Muroda sa mga kunsomidores na payagan silang ipatupad ang 20 % tariff increase dahil naka- anchor daw talaga ito sa mga developmental projects.