NAGA CITY – Naihatid na sa huling hantungan ang mga abo ni Roselle Bandojo kahapon, ang dalagitang natagpuang wala nang buhay sa isang bakanteng lote sa Barangay Liboton Naga City.
Sa kabila ng mainit na panahon bumuhos parin ang mga nakilibing, mga nakiramay na kaanak, malapit na kaibigan, kaklase at mga nagmamahal sa dalagita hanggang sa huling sandali.
Bitbit ang mga placards at tarpaulin na nakasulat ang katagang JUSTICE FOR ROSELLE BANDOJO.
Hustisya ang sigaw ng pamilya para kay Roselle, umaasa ang pamilya sa agad na ikakahuli ng sinumang responsable sa krimen.
Sa hanay naman ng mga awtoridad nagpapatuloy pa ang ginagawang pag iimbistiga at paghahanap upang matukoy ang dapat na managot sa karumal-dumal na krimen.