Jail guard binaril ng inmate, patay sa Laguna; suspek, patay din

Patay ang isang prison guard matapos itong pagbabarilin ng isang inmate sa loob mismo ng kulungan sa Laguna Provincial Jail, Sta Cruz, Laguna.

Kinilala ang biktima na si Jonathan Buenviaje, 50-anyos at residente ng Barangay Maulawin, Pansanjan, Laguna habang ang suspek na isang inmate ay kinilalang si Romnick Balbaran.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, habang nagbabantay sa Dorm 1 ng Provincial Jail ang biktima ng biglang inagaw ni Balbaran ang baril ni Buenviaje at pinagbabaril.

Dahil dito mabilis na rumesponde ang isa pang jail guard at binaril ang suspek.

Matapos ang pangyayari ay agad na isinugod ang dalawa sa pinakamalapit na hospital ngunit idineklarang dead on arrival ang biktima.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Kalaunan ay namatay din ang suspek dahil sa sugat na tinamo nito.

Sa ngayon ay inaalam pa rin ng mga awtoridad ang motibo ng inmate sa pang-aagaw nito ng baril at pamamaslang.