Isang brgy. sa Naga City problema ang mga menor kung paano mapapasunod sa curfew hours

NAGA CITY – Problema para sa isang Barangay sa Naga City kung paano mapapasunod ang mga menor sa curfew hours.

Ito ang napag-alaman kay Efren Nepomuceno, Barangay Kapitan ng San Francisco.

Aniya, may mga street children kasi sa kanila na hindi naman nakatira sa nasabing barangay na nagkalat sa kasentrohan tuwing gabi. Pabalik-balik pa sa lugar.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Paki-usap nito sa mga residente lalo na sa mga magulang na batayan at i-check ang kanilang mga anak, upang masiguro na ligtas sa anumang kapahamakan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Mas papaigtingin kasi ngayon ang curfew hours sa lungsod matapos ang press conference tungkol sa Bandojo case at nabanggit ni Mayor Nelson Legacion ang pagroronda ng mga barangay tanod at pagmonitor sa oras ng curfew hours, gayun din ang paglalagay ng mga CCTVs sa barangay at ang deployment ng PNP sa kanilang mga puwesto.