Mexico, nanawagan sa UN na suspindihin ang Ecuador

Nanawagan ang Mexico na suspindihin ang Ecuador mula sa United Nations hanggang sa maglabas ng public apology para sa pagsalakay nito sa embahada ng Mexico sa Quito.

Ito’y matapos salakayin ng mga pulis ng Ecuador ang embahada para arestuhin ang dating Bise Presidente na si Jorge Glas, na humingi at nabigyan ng political asylum sa Mexico.

Bahagi ito ng isang kaso na inihaharap ng Mexico sa International Court of Justice, ang nangungunang U.N. court, na kilala rin bilang World Court.

Ang pag-aresto, na binatikos ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador, ay nag-udyok sa Mexico na suspindihin ang diplomatikong relasyon nito sa Ecuador.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *