Kylie Versoza, naniniwalang hindi na maaring magkaibigan ang dating magkasintahan

Diretsahang sinabi ng dating beauty queen na si Kylie Verzosa na hindi maaring maging magkaibigan ang dating magkasintahan.

Aniya, sign of respect na lang ito sa kasalukuyan o magiging karelasyon ng ex-boyfriend niya.

Pag natapos daw kasi ang relasyon, para kay Kylie ay magkakilala na lang sila nito at wala ng rason para maging magkaibigan pa ulit.

Nilinaw naman nitong hindi niya sinasabing gayahin siya ng iba o tama ang kanyang pinapaniwalaang pananaw.

Ito lang ang kanyang opinyon pagdating sa mga ex, lalo na’t matagal ang naging relasyon niya sa kanyang dating nobyo.

Maalalang naghiwalay si Kylie at ng kanyang dating boyfriend na si Jake Cuenca noong 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *