Isasailalim ang Metro Manila at 38 iba pang lugar sa Alert Level 1 mula March 1 hanggang March 15.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang iba pang lugar na isasailalim sa mas maluwag na COVID-19 alert level ay kinabibilangan ng Abra, Apayao, Baguio City, Kalinga, Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Cagayan, City of Santiago, Isabela, Quirino, Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, Cavite, Laguna, Marinduque, Puerto Princesa City, Romblon, Naga City, at Catanduanes sa Luzon.
Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras, Siquijor, at Biliran naman sa Visayas, habang
Zamboanga City, Cagayan de Oro City, Camiguin, at Davao City sa Mindanao.
Sa ilalim ng Alert Level 1, papayagan ang intrazonal at interzonal travel, anuman ang edad at comorbidities.

Kaugnay nito, lahat ng mga stablisyemento , tao, aktibidad ay pinapayagan nang mag-operate at magtrabaho sa full on-site capacity, sa kondisyong susundin ang health standards. //MPT