DOH, nagtala ang 1,038 na mga bagong kaso ng COVID

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,038 na mga bagong kaso ng COVID-19 para sa araw ng Linggo (Feb. 27) dahilan para sumipa pa ang nationwide tally sa 3,661,049.

Mula sa kabuoang bilang, 1.4% o 52,961 ang active cases, kung saan 7,910 ang nakakaranas ngayong ng mild symptoms; 2,780 ang nasa moderate condition, 1,417 ang may severe symptoms; 556 ang walang sintomas, at 298 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Sa gitna nito, tumaas rin ang death toll sa 56,401 o 1.54% ng lahat ng mga kaso, matapos na pumanaw ang 51 katao.

Samantala, may 1,999 na iba pang pasyente na nakarekober mula sa naturang sakit, dahilan para umakyat ang survivor count sa 3,551,687 o 97% ng COVID-19 tally.//MPT