Meralco, nag-abiso para sa pagtaas ng power rate ngayong buwan dahil sa oil spike

Inabisuhan ng Manila Electric Co. (Meralco) ang kanilang mga customers ng pagtaas sa electricity rates ngayong buwan, kasunod ng increase sa presyo ng lana ng sunod-sunod na linggo na.

Ayon ay Meralco vice president for corporate communications at spokesperson Joe Zaldarriaga, na hinihintay pa nila ang final billings mula sa kanilang mga suppliers, na maaring magtulak para sa pagtaas ng rates.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Kaugnay nito, sinabi rin ni Zaldarriaga na inaasahan nila ang increase sa generation charge sa gitna na nananatiling mataas ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Apektado rin kasi umano ang generation charge ng patuloy na paghina ng piso kontra dolyar.