Nagmungkahi ang Department of Science and Technology ng mga alternatibo na makakabenepisyo ang mga Pilipino, sa gitna ng tumataas na presyo ng lana at wheat dulot ng paglusob ng Russia sa Ukraine.
Sa pag-gamit ng fuel, iminungkahi ng DOST ang teknolohiya na makakatulong na ma-monitor at maconserve ang enerhiya, gaya ng cloud-based monitors at e-sensors.
Ayon kay Secretary Fortunato de la Peña, makakapagbigay ito ng matalino ay komprehensibong decision support na magagamit ng pamunuan, kung sila ay kailangang gumawa ng adjustments, gamit ang certain equipment, o kailangan nilang palitan ang equipment na hindi na maayos na nagagamit at aksaya lang sa enerhiya.

Maliban dito, inirerekomenda rin ng DOST ang pag-gamit ng maraming electronic vehicles, na ngayon umano ay commercially available na.
Samantala, sa usapin naman ng wheat, iminungkahi rin ng ahensya ang pag-gamit ng “Sagip-Nutri Flour”, na blend ng powders na gawa sa kamoteng-kahoy, kamote, moringa, kalabasa at mangga, sa pagbake ng tinapay, cookies, cakes, at iba pang pagkain.