Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na magtataas ito ng singil sa kuryente sa Mayo partikular na sa generation charge bilang epekto ng sunod-sunod na price hikes ng mga produktong petrolyo.
Sa harap ng Senado ay sinabi ni Meralco Vice President at Head of Utility Economics Larry Fernandez na kasama ng mas mataas na singil ay ang repricing ng Malampaya price.
Ayon kay Fernandez, nakalinya ito sa mas mataas na presyo ng global crude.
Ipinunto niya na kumpara sa $60 at $70 per barrel na presyo ng global crude sa second half ng 2021, ay naitala ang average prices nito sa $83 per barrel noong January at $93 noong February.
Ipinaliwanag ni Fernandez na ang selling price ng Malampaya to First Gas ay magre-reflect sa May generation charge.
Mababatid na tinaasan na ng Meralco ang household rates nito ng P6.25 per kilowatt-hour ngayong buwan, na ang ibig sabihin ay magkakaroon ng P13 na pagsipa sa presyo ng kuryente sa bill ng residential customers na komokonsumo ng 200 kilowatt-hours.
