Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs ang top diplomat ng China sa Manila para iprotesta ang panghihimasok ng Chinese Navy sa Sulus Sea nitong maagang bahagi ng kasalukuyang taon.
Sa diplomatic protest ng Pilipinas, ay sinabi na ang panghihimasok ng navy ship ng China sa katubigan na sakop ng Pilipinas ay ilegal at labag sa sovereign rights ng bansa.
Ipinunto ng DFA na mula January 29 hanggang February 1, 2022 ay pumasok sa Philippine waters nang walang paalam ang PLAN Electronic Reconnaissance Ship (Dongdiao-class) [1] na may bow number 792.
Nakarating ang nasabing barko sa katubigan na sakop ng Cuyo Group of Islands ng Palawan at Apo Island sa Mindoro.
Natanggap naman ni Chinese Ambassador Huang Xilian ang note verbale.
Nakatanggap naman ang PLAN 792 ng challenge mula sa Philippine Navy vessel na BRP Antonio Luna (FF-151), kung saan ay sinabi ng Chinese ship na ine-exercise lamang nito ang innocent passage.
Iginiit ng DFA na base sa galaw ng Chinese vessel, ay hindi ito sumunod sa track na maaring makonsidera bilang continous at expeditious, kung saan ay nanatili ito sa Sulu Sea sa loob ng tatlong araw.
