Binura ng Memphis Grizzlies ang mahigit 20 puntos na lamang ng Minessota Timberwolves sa fourth quarter ng Game 3 sa Round 1 ng NBA Playoffs.
Tila tumigil ang mundo ng Timberwolves sa huling yugto ng laro at magsimulang magmintis ang mga tira nito.

Iginiya ni Desmond Bane ang Memphis sa panalo matapos humakot ng 26 points kabilang ang 7 tres.
Habang ang inaasahan scorer ng Grizzlies na si Ja Morant ay nagtala lamang ng 16 points subalit may 10 assists at 10 rebounds.
Nalimitahan naman si Karl Anthony Towns sa 8 points para sa Timberwolves habang si D’Angelo Russell ay humakot ng 22 puntos at 8 assists.
Dahil sa panalo lamang na sa serye ang Memphis, 2-1.