Medical groups, nababahala na sa bumababang bilang ng hospital beds – Robredo

Inihayag ni Vice President Leni Robredo na nababahala na ang medical community ng ilang rehiyon na hindi sasapat ang hospital beds nito para tugunan ang COVID-19 surge sa kanilang mga lugar.

Ito ay matapos makaranas ang Bicol Region ng pagsipa sa bilang ng COVID-19 cases.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Sinabi ni Robredo na nagkakaroon na ng anxiety ang medical groups sa Bicol dahil sa kakaunti nitong hospital beds kumpara sa Metro Manila, Cebu, at Davao.

Dahil diyan ay hiniling na ng mga doktor sa Bicol na ipatupad ang mas mahigpit na lockdowns dahil sa pangamba nila na matulad ang probinsya sa pinagdaanan ng India.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng general community quarantine ang Legazpi City.

Samantala, pinalawig naman ni Albay Governor Al Francis Gichara ang general community quarantine sa probinsya nito, maliban sa mga munisipalidad ng Jovellar at Rapu-Rapu, hanggang June 30.