MDRRMO Daraga, nagsagawa ng pagvalidate at inspeksyon sa old Brgy. Misi

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Daraga na wala nang naninirahan sa old Brgy. Misi na nasa loob ng 6km permanent danger zone ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Alex Comia, head ng MDRRMO Daraga, nasa pagba-validate at pag-iinspeksyon ang mga personahe sa nasabing lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga magsasaka.

Aniya, ipinagbabawal na rin ang human activities sa loob ng 6km permanent danger zone dahil nasa alert level 1 ang status ng bulkan.

Pinayuhan na rin ang mga residente na naghahanap-buhay sa nasabing danger zone na anihin na ang kanilang mga pananim at ibaba ang kanilang mga alagang hayop.

Hindi lamang ang old Brgy. Misi ang kanilang imo-monitor, kundi maging ang ibang mga barangay na malapit sa bulkan.

Sinabi ng opisyal, matagal nang wala nang naninirahan sa nabanggit na barangay dahil nailipat na ang mga ito sa kanilang relocation site, at bumabalik lamang ang mga residente dahil mayroong hanapbuhay o pagkakakitaan na pananim malapit sa bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *