Hindi diretsahang sinagot ni McCoy de Leon ang katanunang kung nagkabalikan na sila ni Elisse Joson, ngunit sinabi niya na wala nang problema at masaya ang kaniyang love life ngayon.
Sa ulat ng isang entertainment portal ay sinabi na ngumiti lamang si McCoy matapos itong matanong kung nagkabalikan na sila ni Elise.

Pero sinabi ng aktor na wala na silang problema ni Elisse at marami rin silang natutunan sa kanilang relasyon.
Natanong rin sa aktor kung totoo ba na nagalit umano ang nanay ni Elisse nang malaman nito na nagkabalikan sila.
Safe na sinagot ni McCoy ang katanunan sa sinabi niya na mananatili ang kaniyang malaking respeto sa ina ni Elisse.