Tuluyan nang winalis ng Gilas Pilipinas ang 2021 FIBA Asia Cup qualifiers matapos nitong talunin sa ikalawang pagkakataon ang South Korea sa score na 82-77.
Naipanalo ng Pilipinas ang lahat ng anim na laro nito sa continental qualifying tournament.
Sa nasabing laro na ginanap sa Clark, Pampanga ay nagpaulan ang Gilas ng three points para maitakas ang panalo.
Nakagawa ang mag batang Gilas Pilipinas ng 14 na three-pointers sa laro mula sa kanilang 37 attempts.

Pinuri naman ni Gilas head coach Tab Baldwin ang mga players matapos nitong mapwersa ang turnovers sa South Korea at makakuha ng puntos mula sa turnovers at fast break shots.
Pinangunahan naman ni Dwight Ramos ang lahat ng scorers sa panig ng Pilipinas sa naitala niyang 17 points, kung saan ay tumira siya ng limang three-pointers sa laro.
Naipasok rin ng dating Cal State standout ang game-winning free throw sa huling 15 seconds ng laro.
Nagtala naman ng tig-10 points sina 7-foot-3 Filipino prodigy Kai Sotto, RJ Abarrientos, at Filipino Australian player Jordan Heading.