Mayor Sara sa PDP-Laban: panindigan ang mga desisyon para sa eleksyon

Nakiusap si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte, at sa ruling party na PDP-Laban na panagutan ang kanilang mga desisyong politikal para sa halalan sa susunod na taon.

Ito ay matapos sabihin ng Punong Ehekutibo na handa siyang i-atras ang kaniyang vice presidential bid upang magbigay daan sa kaniyang anak na posibleng tumakbo sa pagka-Pangulo.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Duterte-Carpio na personal nang kinumpirma ng kaniyang ama ang desisyon nito na tumakbo sa pagka-Pangalawang Pangulo sa susunod na taon, kasama si Senator Christopher “Bong” Go na tatakbo naman sa pagka-Pangulo.

Dagdag niya, hindi maituturing na “pleasant event” ang nasabing development.

Ipinaliwanag ng alkalde na bukod sa Duterte-Go tandem ay naipresenta rin sa kaniya na i-endorso ang isang tandem na pagsasamahan naman niya at ni Senador Go.

Binigyang diin ni Duterte-Carpio na kung kaya ng kaniyang ama at ni Go na kumpirmahin sa pribadong paraan ang kanilang pagtakbo sa eleksyon ay hindi niya makita ang rason kung bakit hindi nila ito maamin sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *