Demand para sa “yellow card” na para sa international travel tumataas

Makikita sa website ng Bureau of Quarantine na sa Disyembre, 2021 pa ang pinakamaagang appointment na available para sa issuance ng “yellow card” na kadalasan ay ginagamit sa international travels.

Ang “yellow card” o International Certificate of Vaccination and Prophylaxis (ICVP) ay iniisyu ng BOQ kung saan ay nakalista ang mga bakuna na naiturok sa indibidwal na may hawak nito.

Sa kasalukuyan ay tumataaas na ang demand para rito.

Pwedeng maipresenta ang yellow cards sa country of destination ng isang pasahero.

Umapela naman si BOQ Director Roberto Salvador sa publiko na kumuha lamang ng yellow card kapag kumpirmado na ang flight.

Inihayag rin niya na nagkakahalaga ng P300 ang issuance ng yellow card.

Mababatid na kinikilala ng 196 na singatory-countries ng World Health Organization ang yellow card.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *