Mayor ng Kyiv tinawag na genocide ang ginagawang pag-atake ng Russia

Nagbabala ang alkalde ng Kyiv city sa Ukraine na dapat maghanda ang mga tao na umalis sa lungsod oras na magkaroon ng tuluyang pagkawala ng suplay ng kuryente.

Sinabi ni Mayor Vitaly Klitshko na ang pagtarget ng Russian troops sa mga imprasktura sa kanilang lugar ay maituturing na terorismo at genecide.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Binigyang diin nito na hindi naman talaga kailangan ni Russian President Vladimir Putin ang mga Ukrainians kundi gusto lang nito talaga ng teritoryo.

Dagdag nito na lahat ng nangyayari ngayon ay patunay na gusto ni Putin na mamatay sila, lamigin o kaya naman ay kusa nilang iwanan ang kanilang lupain para makuha niya ito.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Matatandaan na ayon sa balita, milyong Ukrainian na ang nawalan ng suplay ng tubig at kuryente dahil sa pag-target ng air strikes sa mga pangunahing imprastraktura.

Sinasabi ding nasa 40% ng Ukraine energy system ang napinsala kundi man lubusang nasira ng Russian attacks