CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Department of Education na isang daang porsiento pa ring ipinatutupad ang face-to-face classes sa lalawigan ng Camarines Norte sa kabila ng pinsalang idinulot ng bagyong Paeng sa mga eskwelahan.
Ayon kay Division Disaster Risk Reduction and Management Office Coordinator Geronimo Burce maaaring makaapekto ito ng mga ilang araw lang pero hindi naman magtatagal.
Wala naman kasing naitalang totally damage sa infrastructure maliban sa ilang eskwelahan na nagtamo ng major damage.
Paliwanag ni Burce karamihan sa mga pinsalang idinulot ng bagyo ay maaaring maisaayos sa loob lang ng maikling panahon.
Mayroon na rin umanong direktiba ang DepEd na magkaroon ng alternatibong pamamaraan para maipatupad pa rin ang full face-to- face classes sa mga eskwelahan na nagkaroon ng pinsala.
Batay sa datos ng DepEd tinatayang nasa mahigit kumulang P28 milyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Paeng sa infrastructure sa mga eskwelahan sa lalawigan habang nasa P4 milyon naman sa non- infrastructure.
Sinabi ito ni Burce sa Programang DepEd Hour noong Sabado, November 5.
Nauna na ring inihayag ni Schools Division Superintendent Nympha Guemo sa nagging panayam ng Brigada News FM Daet na may ilang eskwelahan sa lalawigan na nagpapatupad ng alternative classes.
