Takot ng mga Bicolano kaugnay ng mga nawawala, pinawi ni PNP RD Dimas

NAGA CITY- Pinawi ni PNP Regional Director PBGen. Rudolph  Dimas ang takot ng mga Bicolano ukol sa mga napaulat na nanawawala.

Sa panayam ng Brigada News FM sa opisyal nang personal itong tumungo sa launching ng  KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) ROaD to K Fun Bike Activity sa Naga City. Aminado ang opisyal na mayroong mga missing persons sa Bicol Region pero hindi nila masabi kung ano ang motibo. Bagay na patuloy na nireresolbahan at sila ay nakaalerto.

Read More:  LTO Mati conducts free theoretical driving course in Mati City

Sa Camarines Sur naman maliban sa pagpatay sa senior high school student na si Irish Payonga, naging sunod-sunod ang napa-ulat na nawawala pero sa pag-iimbestiga ng PNP pumunta o tumuloy sa kasintahan at ang iba nagkaroon ng problema sa pamilya.

Ang huling napaulat na nawawala ay ang 20-anyos na residente ng Goa, Camarines Sur na estudyante sa Pili, nagcontact na rin ito sa pamilya ayon PNP.

Read More:  Fake drug bust claim goes viral: DCPO clarifies photos came from Bacolod, not Davao City

Hindi rin aniya totoo ang puting van na hanggang ngayon ay napag-uusapan sa ibang komunidad.

Pagbibigay diin ni Dimas, iniutos niya na ang pagdaragdag ng presensya ng pulis, gayundin ang pagpapa  igting ng check points.