Mayor Guo – pumalag sa kaso ng PAOCC

Kumpiyansa si Mayor Alice Guo na mababasura rin ang mga kasong isinampa laban sa kaniya.

Kasunod ito ng non-bailable human trafficking complaint na inihain sa kaniya laban ng PAOCC at PNP-CIDG sa DOJ.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Sa isang pahayag – idiniin ng suspendidong alkalde na wala siyang kinalaman na-raid na POGO hub sa kaniyang munisipalidad.

Aniya, bagamat ‘di pa niya nakikita ang reklamo, tiwala siyang hindi sapat ang ebidensya laban sa kaniya.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Muli naman siyang umapela sa isang masinsinang imbestigasyon.

Sa huli, tiniyak ni Guo na handa siyang sagutin ang mga alegasyon laban sa kaniya.