AFP, kinumpirma ang pagdaan ng 4 na barkong pandigma ng China sa Balabac strait sa Palawan

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na na-monitor nila ang pagdaan ng 4 na barkong pandigma ng China sa Balabac strait sa Palawan noong June 19.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang mga People’s Liberation Army Navy warships ay namonitor na dumaan sa loob ng 12 nautical miles ng karagatang sakop ng Palawan.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Unang na-monitor ang PLAN destroyer Luyang III (DDG-168) at frigate Jiangkai II (FFG-570), kasunod ang 2 pang barko na destroyer Renhai (CG-105) at replenishment oiler Fuchi (AOR-907).

Ang mga barko ay patungong timog-kanluran.

Nagkaroon ng challenge sa mga barko at tumugon naman ang mga tauhan nito.

Nabatid na ang nasabing lugar ay karaniwang dinaraanan ng mga international vessels.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Ayon sa AFP, ang kakayahan nilang magmonitor at tumugon sa mga ganitong aktibidad ay patunay ng kanilang dedikasyon sa maritime domain awareness at sa proteksyon ng ating teritoryo, soberanya, at karapatang soberenya.

Tinitiyak din ng militar na mananatili silang mapagmatyag sa pagbabantay at pangangalaga sa ating mga interes sa karagatan.